HomeFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 Rules Mga dapt at hindi dapat gawin

Go down 
AuthorMessage
Kingprince
PC Owner
PC Owner


Number of posts : 3
Registration date : 2007-11-24

PostSubject: Rules Mga dapt at hindi dapat gawin   Sat Nov 24, 2007 10:10 am

Mga Dapat Gawin



1. English at tagalog lamang ang pwedeng gamitin sa pag-post ng messages sa forums at shoutbox. Maliban na lang sa mga threads na para talaga sa ibang dialects. Iwasan din nating gumamit ng mga sms-type words o phrases tulad ng "d2 n me, wer n b u?".

2. Kung gagawa ng bagong thread, lalu na yung mga bagong members, siguraduhin na nasa tamang forum o category. At i-double check din ang forum o thread title bago mag-post ng messages.

3. Bago magtanong o mag-request, gamitin muna ang Pinoy Community search engine.

4. Maging friendly at irespeto ang lahat ng users ng Pinoy Community.

5. Gumamit lamang ng mga family-friendly o wholesome na salita sa shoutbox at forums. Maaari lamang tayong gumamit ng mga salitang adult-oriented at bitching sa Adult Zone.

6. Sundin ang standards na ginawa ng Pinoy Community Staff (standard settings para sa avatar, signature, profile picture, specific forum rules, reminder, etc.).
Back to top Go down
View user profile http://pinoycommunity.board-directory.net
Kingprince
PC Owner
PC Owner


Number of posts : 3
Registration date : 2007-11-24

PostSubject: Mga hindi dapat gawin   Sat Nov 24, 2007 10:28 am

Mga Hindi Dapat Gawin


1. Ang pag-insulto, o anumang matinding pananakit ng damdamin ng ibang tao, kabilang na ang paghamak, pag-harass, pananakot, paninirang-puri, o pag-abuso sa ibang tao o institusyon.

2. Pag-hack, pag-iba o pag-alis ng copyright notices at attributes (maliban na lang kung may permiso ng author o may-ari), pornographic or anumang may kinalaman sa pag-exploit ng mga batang under 18 years old, bestiality, extreme violence, at sinasadyang pag-post ng viruses at malicious softwares.

3. Spamming o pag-post o pag-send ng PM/email ng walang saysay o hindi kinakailangang messages (kabilang na ang pag-post ng isa o dalawang smilies na wala namang kinalaman sa topic), o pag-post ng dalawa o higit pang messages na may parehong nilalaman.

4. Flooding o pagpost ng mga messages sa magkasunod na pagkakataon sa loob lamang ng maikling oras (gamitin ang edit button kung may nais idagdag o baguhin sa post, at multi-quote button naman kung may gustong i-quote na higit sa isang post).

5. Malaswa, immoral, o hindi wastong images o salita sa signature, avatar, at profile.

6. Pag-advertise, pag-promote, o pag-post ng download-related site na nangangailangan pa ng registration.

7. Affiliate o referral link sa shoutbox o posts maliban sa Web Offers forum, signature, at profile.
Back to top Go down
View user profile http://pinoycommunity.board-directory.net
 
Rules Mga dapt at hindi dapat gawin
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Strict School Rules in China seem bizarre
» General Rules
» Need Help with Forum Rules
» This forum brakes your rules: Illicit contents, Hateful or abusive content, Defamatory content and / or affecting ...
» U.K. Government rules Christians have no right to wear Crosses to work

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Read This-
Jump to: